Lunes, Enero 28, 2013

Research Paper sa Filipino

"RESEARCH PAPER SA FILIPINO"
Upuan
A. Pagsusuri sa Pamagat
B. Pagkilala sa Author
C. Pagsusuri sa tagpuan kung nabanggit
D. Paglalarawan sa mga tauhan kung nabanggit
E. Pagsusuri sa Paksa
F. Pagsulat ng Personal na Reaksyon


Mga Sagot:

A. Ang aking nasuri sa pamagat ay tungkol sa mga opisyales sa gobyerno na nakaupo lamang sa kanilang mga posisyon na hindi kumikilos upang tumulong sa mga taumbayan na nasalanta ng bagyo o anumang kalamidad o parang winawaldas lang nila ang pera sa anumang magustuhan nilang bilhin.
B. Gloc-9 isang "Popular Award-Winning Pilipino Wrapper". Siya ay inilarawan sa pamamagitan ng kapwa Pilipino Wrapper Francis Magalona pangalan ng isa sa pinakamatagumpay na hip-hop artist sa Pilipinas, sa kanyang mabilis na dumadaloy na Vocal Style.
C. Ang aking nasuri sa tagpuan ay ito ay tumutukoy sa gobyerno na kung saan ang mga tao ay may posisyon.
D. Ang aking nasuri sa mga tauhan ay sila yung mga mahihirap na tao na hindi tinutulungan ng mga opisyales sa gobyerno.
E. Ang aking nasuri sa paksa ay ito ay tungkol sa mga opisyales sa gobyerno na hindi kumikilos para sa kalinisan at kaayusan sa ating lipunan para sa taumbayan.
F. Ang aking reaksyon sa kantang Upuan ay dapat na tayong mga Pilipino, mayaman man o mahirap, may posisyon o wala ay dapat na magtulungan sa isa't isa dahil ang pagtutulungan ay isa sa makatutulong sa atin na malayo tayo sa trahedya.

Miyerkules, Enero 16, 2013

TARA NA! MAGBIYAHE TAYO!!!

BIYAHE TAYO (REGINE VELASQUEZ)

~BIYAHE TAYO (REGINEVELASQUEZ)~

Ang Biyahe Tayo ni Regine Velsquez ay napakagandang "video" dahil sa ito'y Orihinal na Likha ng mga Pilipino o "Original Pilipino Music" (OPM) at dahil sa ito'y tungkol sa mga lugar, pagkain at mga pagdiriwang na nagaganap lamang sa Pilipinas at kapag pinakinggan mo ito ay para ka na ring bumiyahe o lumibot sa Pilipinas. Sadyang napakagaling talaga ng Pilipino, kaya "TARA NA! MAGBIYAHE TAYO!!!"

Martes, Enero 15, 2013

GANDANG PILIPINA

GANDANG PILIPINA
~JANINE TUGONON~

Ang nakikita niyo sa larawan ay walang iba kundi si Janine Tugonon na nanalo bilang First Runner-Up sa Miss Universe noong nakaraang taon. Siya ay naging First Runner-Up dahil sa sagot niyang " For me Miss Universe is not about being able to speak a particular language it's about being able to influence and inspire other people. No matter what language you have as long as you have the heart you can inspire other people". Dahil sa sagot niyang iyon kaya sya nanalo bilang First Runner-Up, hindi man niya nasungkit ang korona ay para sa ating mga Pilipino siya pa rin ang panalo. Kaya masasabi ko na ipinagmamalaki ko ang lahi nating mga Pilipino.

TAYO NANG MAG PIYESTA!!!

TAYO NANG MAG PIYESTA!!!
~SINULOG FESTIVAL~

Ang Sinulog Festival ay ipinagdiriwang tuwing ikatlong linggo ng Enero. Ito ay tinatampukan ng sagradong imahen ng Santo Nino at sa himig ng "Pit Senor!Hala Bira!" ang salitang Sinulog ay may ibig sabihin na "tuloy ang agos ng tubig" itinutukoy dito ang sulong urong na lakdaw padyak ng sayaw ng sinulog. Dinarayo ang piyestang ito dahil sa kakaibang husay ng mga palaro at dahil din sa magagandang kulay na sinusuot ng mga mananayaw rito na lubhang nakakapukaw ng atensyon ng mga tao.
~MASSKARA FESTIVAL~
Ang Masskara Festival ay isa sa pinakamagandang piyesta sa Pilipinas dahil makikita rito ang napakaraming makukulay na maskara, nagsasayawang mga tao at mga nagpaparada ng mga maskara. Ito ay ginugunita tuwing ikatlong Linggo ng Oktubre.

~HIGANTES FESTIVAL~
Ang Higantes Festival ay ang pagpaparada ng mga Pilipino ng mga malalaking tao minsan may mga naglalakad pa. Ito ay ipinagdiriwang tuwing ika-23 ng Nobyembre sa Angono Rizal. Ang mga higanteng ipinaparada ay gawa sa "paper mache"

EATS MORE FUN IN THE PHILIPPINES :))

EATS MORE FUN IN THE PHILIPPINES
~SINIGANG~

Ang Sinigang ang isa sa pinakapaboritong ulam ng mga Pinoy dahil sa taglay nitong sarap at tamang asim. Isa rin ito sa minana natin sa ating mga ninuno. Kaya nga naman pag natikman mo itong sinigang na ito ay mapaparami ang iyong kain at tiyak na mapapasabi ka ng EATS MORE FUN IN THE PHILIPPINES.
~ADOBO~

Ang adobo ay isa sa pinakamsarap ng putahe ng mga Pinoy dahil sa taglay nitong tamis at sa sarap ng karne nito. Kaya nga naman pag natikman mo ito ay tiyak na mabubusog ka. Pati na rin ang mga turista sa pagkat napakasarap nito at ang mga turista ay mapapasabi ng EATS MORE FUN IN THE PHILIPPINES :)).






~BIBINGKA~

Talaga nga namang mapapasabi ka ng "EATS MORE FUN IN THE PHILIPPINES" dahil pag natikman mo itong Bibingka ito ay tiyak na mawawala ang iyong umay. Ang bibingka ay isa sa pinakapaboritong panghimagas ng mga Pilipino pagkatapos kumain. Ito ay napakasarap na pwede pangmeryenda.

NANGUNGUNANG PASYALAN SA PILIPINAS

NUMERO UNONG PASYALAN SA PILIPINAS

~UNDERGROUND RIVER~

Ang Underground River ng Puerto Princesa ay isa sa pinakamagandang tanawin sa Pilipinas na napabilang sa "Seven Wonders Nature in the World" na makikita sa Palawan. Isa ito sa mga nakaakit sa mata ng mga turista upang punatahan at gawing pasyalan na tiyak nga namang kahit sino ay mamamangha sa angking ganda nito.Mahigit sa 8 kilometro ang haba ng nasabing underground river sa loob ng isang limestone.

~CHOCOLATE HILLS~

Ang Chocolate Hills ay isa sa mga pasyalan na matatagpuan sa Bohol. Dito rin makikita ang tinaguriang pinakamaliit na unggoy sa Pilipinas na tinatawag na "tarsier" na may dalawang malalaking mata. Ang Chocolate Hills ay ang maliliit ng bundok na parang tsokolate dahil kakulay nito ang isa sa pinakagustong pagkain ng mga tao na tsokolate.

~BORACAY BEACH~

Ang Boracay Beach ay isa sa pinakapinupuntahan ng mga turista tuwing panahon ng tag-init. Nagustuhan ito dahil sa puting buhangin o "white sand" at sa taglay na ganda ng islang ito. Itinalaga ito bilang "top destination for relaxation". Ito ay matatagpuan sa Visayas Region.



IT'S MORE FUN IN THE PHILIPPINES: MAS MASAYA SA PILIPINAS

IT'S MORE  FUN IN THE PHILIPPINES:MAS MASAYA SA PILIPINAS

Talaga nga namang IT'S MORE FUN IN THE PHILIPPINES dahil napakaraming lugar na mapupuntahan, pagkaing matitikman, fiesta ang matutunghayan at mga larong masusubukan dito sa Pilipinas. Ilan na sa mga lugar na ito ay ang Boracay, Puerto Princesa Underground River, Banaue Rice Terraces, Chocolate Hills, Bulkang Taal, Cristina Falls, Pagsanjan Falls, Hundred Islands, Mt. Apo at marami pang iba. Ilan naman sa mga pagkaing ito ay ang Pakbet, Sinigang, Kare-kare, Adobo, Bicol Express at marami pang iba, may mga kakanin ding tiyak na magpapawala ng inyong umay tulad ng Bibingka, Kutsinta, Tupig, Biko, Sapin-sapin at iba pa. Kung piyesta naman ang pag-uusapan nariyan ang Sinulog, Masskara Festival, Ati-atihan, Pahiyas, Panagbenga, Bangus, Higantes at Dinagyang at iba pa. Maraming mga laro din ang inyong masusubukan na tiyak namang maaaliw kayo nariyan ang Taguan, Patintero, Tumbang Preso, Luksong Baka, Luksong Lubid, Luksong Tinik at Piko at marami pang iba.